monday the 23rd...it's my life!
contest

i want an xperia P because i want a new sony phone. :)

it’s who we are…

ROBOTS OR DINOSAURS?

robots.. like atom of real steel! :)

“di porket maliit na bagay, mababaw na. may mga hiling na kahit simple, hindi natin pwede ibigay. yun ang pinakamahirap sa pakiramdam.”

-sp rle

minsan di mo na alam ang ibig sabihin ng bakit, basta gusto mo lang. Mahal na mahal kita kahit di ko na alam kung bakit…

drive

Noon, sabi ko gusto kong mag-aral maglangoy kahit wala naman akong planong magbabad sa malalim na tubig. At sabi ko rin non, tatakbo ako ng mabilis. Matulin na matulin. Yung halos umapoy na ang mga paa sa sobrang bilis.

Dati, gustong-gusto kong magdrive. Magpapayaman ako at bibilhin lahat ng gusto kong i-drive. At ngayon alam ko ng kung bakit gustong-gusto kong matutong mag-drive…para mas madali ko ng ibangga ang kotse sa poste!

I’M SORRY!

kung merong kabilang bahagi ng langit… don nyo ako matatagpuan! (happiness)

fb status 2010

april 12,  at muli na namang mahuhuli ni araw.
april 15,  nilamon ng kama. lawit ang paa’t dilat ang mata.
april 16,  nangangarap na maging isang tulay. matarik at nais na rin makatawid.
april 21,  mas maigi nang sobra sa inom, masarap naman ang tulog! kesa sa wala,                magdamag namang gising. ZZzzz
april 22,  what i dont have, i dont need it now.
april 25,  nag-aaliw sa baso. 
april 27,  sa libo-libong bagay na umiikot sa utak ko, iisa lang ang hindi nahilo.
may 3,    parang droga daw ang tama, sa una lang masarap.
oct. 18,  let happiness take you over.
oct. 27,  wants to take you to life with no more yesterdays.
nov. 1,   di ba pwedeng bitawan mo nalang sa pagkawala?
nov. 2,   you make me breathe in a way the keeps me up at night.
nov. 22,  wala ng laman maliban na lang..
dec. 8,    ikaw ang nagtatagni ng kwento, tagasulat lang ako. pwede dugtungan na              naten ang istorya?
dec. 18,  kundiman… (masaya na rin ako!)

drown

iba’t ibang klase ng posibleng pagkalunod

1. tumalon kahit alam na malulunod (suicidal)

2. akala mababaw, malalim pala (kampante)

3. tinalon ng mababaw pero lumalim kaya bahagyang nalunod. mabuti marunong lumangoy. (normal)

4. mababaw at never malulunod (di na pinaasa)

5. unti-unting pinalalim at nilunod (nilinlang)

6. alam na hindi lulunurin, di pa rin tumalon (duwag)

7. tumalon sa malalim pero alam kung paano makakaahon (expert)

8. lumubog pero marunong sumisid (sanay ng masawi)

9. tumalon kahit di marunong lumangoy. pinilit kumuwag pero nalunod pa rin. (nagbakasakali)

10. walang takot na tumalon pero may hawak na lubid. (gusto lng sumawsaw)


ang pag-ibig para lang yang sukat ng tubig sa ilog! kung di mo tatalunin, di mo malalaman kung mababaw o malalim. pero minsan kahit anong lalim ng tubig pwede ka pa ring malunod kaya wala rin yun sa sukat. depende na lang siguro yun kung paano ka magdada-dive.



may narinig ako isang nagsabi na animoy si Balagtas kung magsalita. “bakit mo pa hinayaang lumalim kung lulunurin mo lang.” naman! okay lang sana kung sa pagmamahal e kaso minsan lulunurin ka naman non sa sakal. mas swak siguro kung low tide o high tide lang, huwag lang babahain!



huwag mangamba o maging ayos lang kung lunurin ka man o malunod. ang mahalaga sa tubig ka malulublob. ang panget kaya kung sa hangin ng electric fan lang. at higit sa lahat wag kang magpapakalunod habang nakalublob ang ulo mo sa timba. sino may gustong nakatuwad aber?



hindi naman lahat ng relasyon may nalulunod o nilulunod. minsan sabay pa sila at minsan dala lang rin ng pagkakataon. marami pa din naman ang magagaling mag-“floating”. pero kung sakali man, ilabas mo lang ang magic salbabida mo. sigurado ipapadpad ka non sa kabilang bahagi. kung nalunod ka man minsan huwag kang mapipirmi sa iisang ilog lang dahil di mo alam, may mas malinaw pang ilog kesa sa pinaglunuran mo.

Ang pag-ibig parang ulan lang… mabigat at babagsak at babagsak din. Umaapaw!